Tuesday, September 1, 2009

Ang Saya at Lungkot sa Buhay ng mga Mag-aaral

Pasukan na naman, “saan kaya ang seksyon ko ngayon?, sino kaya ang magiging guro ko?, sino-sino kaya ang mga kakaklase ko?, sana may kakilala ako kahit na isa man lang..” iyan ang tanong mga estuyante sa kanilang sarili. Sa unang araw ng klase lahat ay abala sa paghahanap ng kanikanilang sekyon, may mga natutuwa dahil sa may kakilala sila sa sekyon nila ang ilan naman ay naninibago at naiilang dahil saw ala silang kakilala sa seksyon na napuntahan nila, isa na roon si Jake isang “second year high school student” siya ay napunta sa higher seksyon magagaling ang kanyang mga kaklase, halos lahat sila ay magkakakilala maliban sa kanya, may mga kakalse siyang pala-kaibigan pero bi pa rin ang pakiramdam niya, pakiramdam niya hindi siya nararapat na manatili sa seksyon na iyon. Dahil sa maliit ng tiwala niya sa sarili kung ano-ano na ang naiisp niya na bumabagabag sa kanya. Lumipas ang dalawang araw nagpasya itong lumipat na lang sa ibang seksyon, sa seksyon kung saan alam niyang matatanggap siya at alam niyang kalevel lang niya. Nahanap niya ang seksyon na hinahanap niya doon ay maluwag siyang tinanggap ng mga bago niyang mga kaklase pati na ang kanyang bagong guro si maam Felly. Masaya siya sa mga bago niyang mga kaklase, naging malapit siya sa mga ito lalo na’t kaklase niya roon ang dati niyang kababata, si Nelson, isang masayahin at palabirong tao.

Nagdaan ang mga araw at sa bawat araw na magdaan ay lalo pang dumarami ang nagiging kaibigan ni Jake. Naging aktibo sa klase si Jake para masuklian niya ang maluwag na pagtanggap sa kanya ni maam Felly. Isa sa mga mahuhusay na estudyante ni maam Felly si Jake, magaling siya sa lahat ng kanilang asignatura. Dahil sa magaling ito sa klase ay lalo pa siyang naging malapit sa mga kaklaseng lalaki. Doon naging kaibigan niya sila Jesus, Marvin, Wilfredo, Noel, Marlon at siyempre si Nelson. Maganda ang nagging samahan nila magkakasundo sila sa bagay, kaya naman nagging matibay ang samahan nila, madalas ay ang pagalalaro ng sipa ang kanilang ginagawa kapag wala silang klase kung hindi naman ay nagbabasketball sa likod ng paaralan. Minsan ay may pagkapilyo ang grupo nila kasi lahat ng mga dumadaan na mga kapwa nila estudyante ay napagtitripan nila. Minsan binibiro nila ang mga ito at minsan naman ay tinititigan nila lahat nang mga nagdadaan hanggang makalayo ang mga ito.

Isang araw isa sa mga kaklase ni Jake na babae ang lagi niyang napapanaginipan at hindi ito maalis sa kanyang isip. Sinabi niyang ito sa malapit niyang kaibigan, si Nelson at sinabi nitong,”tol isa lang ang ibig sabihin niyan, nahuhbulog ka na sa kanya”, ganun pala yun, “sagot ni Jake. Hindi pinansin iyon ni Jake hanggang sa sa maramdaman niyang gusto nap ala niya ang babae, Angel ang pangalan ng babae.”tol ano ang gagawin ko” tanong niya sa mga kaibigan, “ligawan mo na siya” sagot ni Jesus at sinundan pa ito ni Marvin. Dumaan ang mga araw at napansin ngbinata na parang may gusto rin sa kanya si Angel, nahihiya si Jake na kausapin si Angel kaya naman nagpasya si Nelson na tulungan ang kaibigan, yun nga gumawa ng paraan si Nelson, gumawa siya ng sulat, isang sulat ng pakikipagkaibigan, pangalan ni Jake ang inilagay ni Nelson sa sulat at nakasaad sulat na kung pwede bang makipagkaibigan sa kanya. Sumagot sa sulat si Angel at sinbi sa sulat na pwede. Gumaan ang pakiramdam ni Jake sa nabasa. Dumaan ang mga araw at bawat na lilipas ay si Angel ang nagging inspirasyon ng binata sa pag-aaral.

Isang araw nagulat si Jake sa nabalitaan na may boyfriend na si Angel, hindi makapaniwala si Jake sa nalaman. Masakit ang loob ni Jakesa nalaman pero ang inisip na lang niya ay masaya naman doon si Angel kaya naman tinanggap na lang niya na wala nasiyang pag-asa sa dalaga. Biro siya ng mga kaibigan at sinabing,”mabagal ka kasi kaya naunahan ka”, “ayos lang yun malay natin baka meron pa diyang iba”, sagot naman ni Jake. Dahil sa nangyari ay ibinaling nalang niya ang nararamdaman niya sa iba at yun nga hindi nagtagal ay naibaling niya ang kanyang pagtingin sa iba. Nakilala niya si Melani isa rin niyang kaklase hindi gaya ng dati si Jake na ngayon ang lumapit kay Melani para makipagkaibigan, nagging malapit sila sa isa’t-isa nagimg magkaibigan, akala niya ay nakalimutan naniya si Angel ngunit nagkamali siya, si Angel pa rin pala ang gusto niya. At ayaw rin ni Jake na masira ang pagkakaibigan nila ni Melani kaya naman napagpasyahan nito na huwag na lang sabihin kay Melani ang nararamdaman niya, nakitungo ito na parang wala lang at bilang kaibigan, Isang kaibigan na handing dumamay at tumulong kapag kailangan.

Dalawang linggo ang lumipas mula ng mabalitaan ni Jake na may boy friend si Angel ay muli niyang nabalitaan na wala sin g boyfriend niya. Nang mga oras na iyon, biglang nabuhayan ng loob si Jake. Pinalipas niya ang isang linggo para malinawan ang pag-iisip ni Angel, pagkalipas ng isang linggo ay sinimulan muli niyang manligaw sa dalaga para mapasagot niya ito ng matamis na “oo”, ito ay sa tulong ng mga payo ng kanyang mga kaibigan na hindi siya iniwan kahit kalian. Isang araw, uwian na ng hapon bilang kinausap ni Angel si Jake, inaya nito si Jake sa puno ng mangga at nag-usap sila roon, nagtanong si Angel kay Jake, “ano ba ang nararamdaman mo para sa akin” ang tanong ng dalaga, hindi agad nakaimik ang binata sa sinabi ni Angel, at inulit muli ni Angel ang tanong at sa ikalawang pagkakataon ay sumagot na si Jake, “mahal kita” ang sagot ng binata” “edi kung ganun edi tayo na” ang sagot ng dalaga. Sa mga oras na iyon si jake na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo sapagkat nakamit na niya ang matagal na niyang hinihintay na pagkakataon ang maging sila ng dalaga at makamit ang matamis nitong “oo”. Sabay na umuwi ang dalawa magkahawak ng kamay at bakas sa kanilang mukha ang kasiyahan.

Samantala pagkatapos naman na maihatid ni Jake si Angel sa sakayan ay hindi pa rin ito makapaniwala sa nangyari, pakiramdam niya ay hindi pa rin natatapos ang mga sandaling magkasama sila ng babaeng pinakamamahal niya.hanggang sa pag-uwi ay iniisip pa rin niya ang nangyari kanina lamang, ito nang pinakamagandang nangyari sa buhay niya bilang isang estudyante, ang magmahal at mahalin din ng taong iyong sinisinta. Kinabukasan walang kamalay-malay ang mga kaibigan ni Jake sa nangyari kahapon, binalita ni Jake ang nangyari na nagging sila na nga ni Angel, ikinuwento ni jake ang kanyang naramdaman habang siya ay nakikipag-usap kay Angel, masaya ang mga kaibigan ni Jake para sa kanya, nagpasalamat si Jake sa mga payo at suportang ibinigay nila sa kanya lalo na kay Nelson. Abot ang kantyaw nila kay Jake, “blow out naman diyan”, ang tukso sa kanya ng mga kaibigan, yun nanlibre naman si Jake bilang selebrasyon nilang magkakaibigan. Nagdaan ang mga araw na puno ng saya, tila ba wala ng katapusan at tuwing hapon ay sabay silang umuuwi.

Isang araw bago ang gabi ng induction ball tinanong ni Jake si Angel, “pupunta ka ba sa induction ball bukas”?, “oo naman bakit hindi ka ba pupunta?, kailangan mong pumunta kasi importanteng araw yun para sa ating mga estudyante at magandang pagkakataon iyon para makihalubilo sa mga kamag-aral natin at isa pa magtatampo ako sayo kapag hindi ka pumunta, ano pupunta ka ba o hindi”? Sagot ni Angel, “may magagawa oa ba ako?, syempre pupunta ako, lalo na’t nandun ka, hahayaan ba namam kitang mag-isa, syempre hindi! Basta ikaw nanginginig pa”,hehehe… ang pabirong sagot ng binata . naku! “Kahit kalian talaga bolero ka”, ang sagot ni Angel. “Kaya nga napasagot kita eh! bi da” ? sagot muli ng binata, “neknek mo”, sagot naman ni Angel. “Basta aasahan kita bukas ng gabi ha!”. “Oo asahan mo ako, pagsinabi kong pupunta ako, pupunta ako kahit bumabagyo”. Sagot ni Jake.

Dumating na ang gabi ng induction ball, lahat ay masayang nakikipag-usap sa mga kakilal, ang mga kabarkada ni Jake ay naroon na sa bulwagan kung saan ginaganap ang induction ball, samantala si Angel naman ay kanina pa naghihintay sa pagdating ni Jake. Ilang sandali lang ay dumating na si Jake, “bakit ngayon ka lang, akala ko hindi ka na pupunta...” ang sinabi ni Angel nang dumating si Jake, “pasensya na ha.. naiwan ko yung ticket ko eh! ayaw akong papasukin ng guard kaya umuwi uli ako para lang kunin yun ticket,” paliwanag ni Jake kay Angel at sa barkada, tol! Tumatanda ka na nagiging makakalimutin ka na, ang sabi ni Nelson, “oo nga tol, pasensya na kayo ha.. na huli ako ng dating pero ayos lang yun ang mahalaga nandito na ako kaya ano pa ginagawa natin tara sayaw tayo,” sagot naman ni Jake. Ang unang sinayaw ni Jake ay si Angel syempre, sino pa nga ba?, habang sumasayaw ay nag-uusap silang dalawa, masayang nag-uusap ang dalawa habang sinasabayan naman ng napakasweet na tugtugin at ang kanilang mga katawan ay magkadikit habang gumagalaw ang kanilang katawan nang magkasabay at malumanay, nadarama nila na ang bawat segundong lilipas ay tila ba walang katapusan na para bang lumulutang sila sa langit, langit na parang silang dalawa lang ang naroroon at wala nang iba, ilang sandali pa ay natapos na ang unang tugtug at hanggang sa ikalawang tugtug ng musika ay sumsayaw pa rin sila na para bang hindi napapagod, “tara na umupo na tayo pagod na ako,” saabi ni Angel, “Ok!” ang sabi ni Jake. Hawak-hawak niya ang mga kamay ni Angel habang papunta sila sa kanilang upuan, at sinabi ni Jake, “salamat ha... Kasi kinumpleto mo ang gabi ko,” ikaw rin naman eh! kinumpleto mo ang gabi ko, kasi kung hindi ka pumunta malulungkot lang ako at mag-iisa dito at isa pa kaya pumunta ako rito, yun ay para makasama ka,” ang wika ni Angel. Nagpatuloy ang kasiyahan hanggang sa matapos ito, lahat ay masaya at maraming naging bagong kaibigan at mayroon namang mga lalo pang nagkakilala ng lubusan, ang lahat ay nakuntento, natapos ang programa ika- labing-isa ng gabi. Lahat ay nag-uuwian na, hinatid na lang ni Jake si Angel sa bahay nila para siguradong makauwi ito ng maayos.

Pagdating ng lunes ay pinagkukiwentuhan pa rin ng lahat ang induction ball na naginap noong biyernes, sariwa pa rin sa mga isip ng mga mag-aaral ang mga nangyari, ang ilan tinitingnan ang mga litrato nila na kuha noong induction ball at bakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan.

Mabilis na lumulipas ang mga araw sa paaralan, maraming mga exams ang kinukuha ng mga estudyante bawat araw ay puno ng mga pagsubok. Si Jake at si Angel ay magkasama na nagrerebyu ng kanilang mga asignatura, tinuturuan nila ang bawat isa kapag mayroon silang hindi alam, magkatulong sila sa hirap at ginhawa lahat ng bagay na gagawin ng bawat isa sa kanilang ay ikinukunsulta nila sa bawat isa kung tama nga ba o mali ang gagawin nila. May mga pagkakataon na hindi sila magkasama lalo na kapag nagkaayaan ang barkada nila Jake na magliwaliw o kaya naman ay mag-bonding gaya na lang ng paglalaro ng basket ball na siyang hilig ng lahat, tuwing maglalaro sila Jake ng basketball ay sumasama si Angel para mag-cheer kasa naaman ng ibang kaibigan niya. Minsa nga nang may paliga sa barangay nila Jake ay pumunta patio para alng ipag-cheer si Jake, nagulat pa ang bianta dahil hindi niya inaasahan napupunta pala si Angel, mahilig talaga si Angel na surpresahin si Jake, napakasweet niya kulang na lang kasal para masabi na mag-asawa sila, pero kahit papano alam din naman nila ang limitasyon ng kanilang relasyon, iginagalang nila ang isa’t-isa, yun din ang naging dahilan kung bakit mnagtagal ang kanilang relasyon, hanga nga sa kanila ang mga kaibigan nila sapagkat nakakaya nilang “i-maintain” ang kanilang relasyon kasabay ng kanilang pag-aaral.

Kahit pa na nung nasa third year na sila ay maayos pa rin ang kanilang relasyon, sa katunayan ay lumipat pa nga uli si Jake ng seksyon para lang maging magkaklase silang muli. Pag-ibig nga naman hahamakin ang lahat para sa tinitibok ng puso. Minsan nagkaroon ng maliit na alitan ang dalawa kasi napansin ni Angel nna nanlalamig na si Jake sa kanya. Inaya ni Angel si Jake na mag-usap para malaman niya ang nasa saloobin ni Jake, “mahal, bakit may problema ba bakit parang nanlalamig ka na sa akin, sabihin mo naman kung bakit, may nagawa ab akong masama? Sabihin mo kasi hindi ako mapalagay sa kinikilos mo”, ang tanong ni Angel kayJake.Wala, wala naman akong problema e, bakit mo natanong? Ang sagot ni Jake kay Angel. Hindi alam ko mayprobalema ka sa tagal ba naman na natin magtatago kap ng problema sa akin?, kabisado kita Jake, alam ko may problema ka kasi may mali sa mga kinikilos mo, hindi ka naman ganyan dati ah.., sabihin mo na sa akin kasi ako na nahihirapan say o e.. “ ang sabi ni Angel. “Okey! Sinabi mo eh! Wala lang napapnsin ko kasi napapadalas ang pag-uusap niyo ni Ken,” ang sabi ni Jake. “Hay! Naku… wala ka bang tiwala sa akin, nakipagkaibigan lang yung tao wala ng iba tsaka okey naman siya, sa tagal ba naman nating magkasama eh! Nag-iisp ka pa ng ganyan, wala yunmaniwala ka sa akin, hayaan mo ipakikilala kita sa kanya, wika ni Angel

Kinabukasan ng breaktime ay ipinakilala ni Angel si Jake kay Ken.”ah! Ken nais ko pa lang ipakilala ang boyfriend ko si Jake, Jake siya si Ken ang sinasabi ko sayo na nakikipagkaibigan sa akin”wika ni Angel, Ken pala ang pangalan mo, kumusta, wika ni Jake kay Ken. “Ito mabuti ikaw pala ang boyfriend niya madalas kaniyang ikuwento sa akin, balita ko nga may isang taon na kaoyng magboyufriend at maggirlfriend”, sagot ni Ken.nagpatulkoy ang paguusap nila hanggang dumati nanaman ang oras ng kanilang mga klase.

Naging kabarkada rin nila Jake si Ken, magaling makisama si Ken kaya naman tinanggap siya ng grupo, at dahil din doon nagging matalik na magkaibigan sila ni Ken. Lagi nilang kasama si ken sa ano mang lakad ng grupo, gaya ng dati dahil kumpleto ang grupo lagi silang masa tuwing magkakasama, kahit na kung minsan ay konting alitan, sabi nila ang alitan ang nagpapatibay sa samahan.

Umabot ang samahan ng grupo hanggang sa mga huling araw nila sa paaralan at ang huling araw na iyon ay ang pinakmasaya at pinakamalungkot na parte ng buahy ng isang estudyante sapagkat ang bawat isa ay magpapaalam na at walang kasiguraduhan kung magkikita-kita pang muli. Samantala si Angel at Si Jake ay sinusulit ang mga huling araw nila sa paaralan at nagako sa isa’t-isa na paminsan minsan ay makikita onkaya naman ay magtatawag sa telepono.

Sadyang napakabilis na nagdaan ang mga araw ng mga estudyante sa paaralan, puno ng saya at kung minsan ay pagkabigo, puno pagsubok na kailangang malagpasan para sa kanilang mga kinabukasan, bawat isa ay nagsusumikap, lalo pang nahubog ang isipan ng bawat isa sa paaralan, sa bawat araw na nagdadaan sa kanilang buhay bilang mga estudyante, mga estudyanteng ginagawa ang lahat para sa kanilang kinabukasan at para na rin sa magulang na nagpapakahirap sa pagtatrabaho para lamang maigapang sila at mapagtapos sa pag-aaral, kahit man lang high school, yan ang tanging iniisip ng mga magulang kaya naman sa mga oras na ito, sa araw na ito, ang araw na pinakahihintay ng bawat magulang, ang makita ang kanilang mga anak na papanik sa entabladlo upang kunin ang diploma, diploma na sagisag at bunga ng kanilang mga pinaghirapan, mga paghihirap na tila ba walang katapusan. Ang pagtatapos na ito ay simula pa lamang ng mas matitinding pagsubok, mga pag- subok na lalo pang magpaptatag sa bawat isa.


rach

rach
all for one, one for all

Followers